June 30, 2007: UPGAA Night of Music, the morning after

Small deal na lang ba sayo pag umiiyak ka? Alam mo iba talaga ang pagkakataon, talagang saktong andun pa ako saka ka umiyak. Pero alam mo, yun ang gusto ko eh.. gusto ko andun ako pag di mo kaya, pag gusto mong ilabas lahat ng sama ng loob mo. Ngayon nagbago na ang isip ko. Kung nababasa mo to, malamang nalaman mo na na nagalit ako sayo. Tama ka, may atraso ka sakin. Pero napatawad na kita. Matagal na. Alam kong wala kang kasalanan. Hindi ko lang talaga mapigilang sumama ang loob ko. Sorry ha, ayokong sabihin sayo nang diretso kasi ayokong madagdagan problema mo. Buwisit nga kasi ganun.. pag magpapagradpic ka ngumiti ka dapat. Ngumiti ka nang malawak.. pahingi ng gradpic ah. :)

Akala ko hindi mo na ako iiyakan ulit, pero alam mo ngayon ko lang narealize na hinahanap ko pala yun.. pero alam mo gusto ko rin sana na makipagtawanan sayo. Kagabi, paguwi ko, wala na akong baterya, pero nagcharge kagad ako para matxt ko si tsabi, ayun, dumating txt ko.. I don’t need thanks, i need you to help yourself.. Gusto talaga kita makitang masaya. Lam mo di ako makatulog nang maayos kasi naiisip ko kung ayos ka lang. Nagdasal ako, tapos nagimbento ako ng kanta at nirecord ko sa recorder ko.. Sa kantang yun nagdadasal din ako. Makukuha mo rin ang CD kong Seven over Four although alam kong narinig ko na.. May mga idadagdag pa akong mga kanta, kaya magkakaroon ng second disk yun. At ikaw lang makakakuha, wala nang iba.

Open your heart.

Alam mo hindi ko masabi sayo na dati na narinig ko sa kanya na sinabi niya “pag ayaw ko na kay Donna.. etc etc”. Nung 170 field pa yun. Tapos kagabi, sabi niya sakin tugtog pa daw kami, pero tumanggi ako. Alam mo parang pelikula sa isip ko yung mga nangyari kagabi. Pag kinulong mo ako sa kuwarto makakasulat ako ng isang buong cd tungkol lang dun, pero sa ngayon mental block pa ako.. may pinapakinggan akong kanta..

“You’re Not Alone” by Saosin

It’s just like him
To wander off in the evergreen park
Slowly searching for any sign
Of the ones he used to love..

He says he’s got nothing left to live for
(He says he’s got nothing left…)
And this time I think you’ll know..

You’re not alone
There is more to this, I know
You can make it out
You will live to tell

She’s just like him
Spoiled rotten
Confused by the lies she’s been fed
And she’s searching for no one..
(But herself)
Her eyes turn to green and she seems to be happy
That she is here
And this time I think you’ll know…

You’re not alone
There is more to this, I know
You can make it out
You will live to tell

You’re not alone
There is more to this, I know
You can make it out

(There is more to know)

We’re not alone
There is more to this, I know
You can make it out
You will live to tell..
(So tell me)

You’re not alone
There is more to this, I know
You can make it out
(Make it out)
You will live to tell
(Live to tell)
You’re not alone
There is more to this, I know
(And I know)
You can make it out
You will live to tell..

You are not alone.
You’re not, you’re not alone.

Wala lang, ewan ko ba. Pero kagabi sinasaktan ko sarili ko, kasi wala akong ibang paraan para mapasaya ka, kaya pareho na lang tayong masaktan. At ngayon, di pa ako kumakain ng breakfast, kasi alam kong konti ang kakainin mo ngayong araw. Alam mo andaming nagsasabing pumapayat ka daw. Actually ako halatako talaga dati pa. Kaya nung tumawag ako sayo di ako naniwala nung sinabi mong ok ka lang. Pano ka magiging ok kung umiyak ka pala nung hapon na yun? Buwisit talaga, naniwala nga ako nung una eh, pero yung tono ng boses mo either galit ka sakin kasi iniistorbo kita o dahil nahihirapan kang magpanggap na ok.

Kailan mo kaya mababasa to? Sana pag nabasa mo to ayos ka na. Yun lang naman gusto ko eh. Maging masaya ka. Hindi ko na nga hinihingi atensyon at oras mo (at least pinipilit kong wag magexpect). Basta gusto ko lang marinig ko na sabihin mong ang saya mo, at hindi ako magdududa. Sa kagandahan mong iyan sa tingin mo walang ibang magmamahal sayo? May nagsabi sakin nun nung kinuwento ko yung problema ko sayo dati.

Pero alam mo, salamat kasi at least ngayon may rason kung bakit ako nag-aalala. Mas gusto kitang maging problema kaysa kahit ano pa. At least ngayon may nagagawa ako para sa tao. At least ngayon may naipagdadasal ako.. Bakit mo kinuwento sa kanila na “nagfall” daw ako sayo? Pero alam mo ok na yun, at least sumasagi din naman pala ako sa isip mo. “Fall”? Maling term, dapat “jumped” kasi ako namili nun eh, ako ang namili nun, ako namili nun, ako nagdecide.

Sa ngayon, ano, uh, hindi ko masabi. Marunong ka namang magread between the lines para magets mo kung ano dapat ang ilalagay ko sa linya na to.

Will you do it again to me? What? Hurt. What? Hurt me. If that’s the only way I could share your pain.

Open your heart.

Sabi mo matigas na ang puso mo sa kanya. Ganun din ako sayo, pero wag na, di ako mageexpect. Basta kung ano dumating, tatanggapin ko na lang.

Open your heart.

P.S. Lagi kitang iniisip, di ba obvious yun?


About this entry