Dream…

Bakit ko to napanaginipan? Alam ko namang uninterpretable to so leave it as it is.

May concert daw ang Same Same, tapos may kasama silang ibang artists. Nandun ako. At nandun ka rin ata. Umalis ako, tapos sa may hagdanan, nakasalubong kita, nakapink ka, mahaba ang buhok mo, halatang may tinatago kang emosyon. Hindi kita pinababa, hinawakan ko ang braso mo. Dun, saka ka umiyak. Pinahid ko ang luha mo sa mata.  Umiiyak ka pa rin. Parang tumamlay ka, para kang hihimatayin, kaya hinawakan kita, inalalayan kita, tumumba ka, at binuhat kita pababa, para bang married couple style ang buhat. Basta ganun. Dinala kita sa green na sofa. Tuloy kang umiyak doon, at binabantayan kita. May dumating na mga tao. Hindi ko na nakilala kasi nagising na ako.

Bakit? Why?


About this entry