Pag nabasa mo to pakisabi sakin..
Alam mo kung bakit kita tinulungan? Kasi ayokong makitang umiiyak ka. Alam mo, kagabi, pinaiyak mo na naman ako. Ikaw kasi eh, sakin ka pa humingi ng tulong. Alam mo sabi ni apol sakin? Yung advice mo sakin na “Expect less” eh nagaapply din sayo. Tanga ko naman, alam ko namang kao-off niyo lang at may pag-asa pa kayo. Sa totoo lang gusto ko talaga kayo pagbaliking dalawa eh, kasi alam ko pag ganun mas wala na akong pag-asa. Kaya ako nag-bye kagabi, kasi gusto na kitang iwan as “therapist”.. titigilan ko na sana.. sa tingin ko kaya mo naman ng wala ako eh.. saka may ibang tao ka na rin namang pinagsasabihan, mabuti na yun kasi hindi sila nasasaktan. Nagsinungaling ako nung sinabi kong wala kang kasalanan. The only thing you did wrong was being yourself, existing. Tanga ko talaga, sinabi ko nga sayo na hindi mo makukuha ang gusto mo kagad, di ko naman pinakinggan ang sarili ko. Tangina talaga tangina tangaina tangina pagod na akong umiyak. Pero alam mo, salamat din. Di muna kita papansinin ng ilang araw. Malapit na rin naman kayong mag-usap ulit. Sabi ko nga sayo “just pick yourself up”, pero di mo gets? Sana pag nabasa mo to gets mo na. Sana pag nabasa mo to ok ka na. Pwede mo pa rin naman akong lapitan eh, matitiis ba kita? Pero ako na mismo lalayo sayo, pero tandaan mo, di kita iiwanan. Siguro asa tabi lang ako, o sa gilid, o sa taas, o kung saan man na di mo makikita.. Pasensya ka na.
About this entry
You’re currently reading “Pag nabasa mo to pakisabi sakin..,” an entry on Unplug and Play
- Published:
- June 7, 2007 / 10:08 am
- Category:
- Uncategorized
- Tags:
No comments yet
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]